Last week TOXIC Recap

yeah, sobrang toxic!

AIRPORT (August 4, Friday)
Dumating ung mga cousin, tito and tita namin from L.A. (Rufo-Gacuya Family) Supposed to be 11:55PM Friday Manila time ung dating – guess what ? 11:00AM  Saturday sila nakalabas sa airport!

Sobrang delay ung nangyare. Dahil kasi sa typhoon Henry na nagsabog sa Hong Kong. Na stranded sila dun kasi perwisyo ung bagyo. Di nakaalis on time.

Yun, natulog nalang sila kakahintay. Sila mama sa starex, kami sa van. Di ako makatulog 😐 nakinig ako ng mp3 magdamag. Tinawagan ko si yek, ayun, galit pa rin kasi di ako makakapg online. haay. ung classmate ko sa ECO na nasa LA, si Gab kinumusta ko rin.

NAIA / VFL Subd. Noveleta (August 5, Sat)
Kain lang ako ng kain ng bake mac. Walang magawa eh. MP3. yan. Nung nalaman naming around 10-11 pa ang dating, nag brunch na kami sa KFC. Parehas kami ng meal ni nico, 2 piece chicken.

Around 12/1 na kame nakaalis kasama ng mga balikbayan. almost 10 years ata sila sa states. they went in as tourist, then un, hinintay magkagreen card. lalaki na nila Alvin at RD hehe, parang mga kuya namen 😛

Nahuli ung sinasakyan naming Van, pero di sila umubra kyna papa at kuya alex (driver) g*gu ba sila, ung traffic light 6 secs. tapos red na. (dun un sa airport road / sa may coastal mall) beating the red light daw eh nsa gitna kame ng crossing nung ang red kasi nga sobrang bilis. Ayun, sila ginago nila papa, hinanapan namin ng ebidensya (picture or video) na beating the redlight kame. la sila mapakita. ABSWELTO. asa pa sila emoticon

Pag dating namin sa VFL Subd, ung starex daw nag overheat somewhere sa may island cove. binalikan sila ni Kuya Alex. Naiwan kami ni papa at nico sa harap ng house nila Tata Rufo. Palibhasa wala na sa cavite city, nag enjoy kami ni nico manghuli ng tutubi at tipaklong sa subdivision. Tumawag si ram, kachat nya daw si yek. di ako naniwala kasi ayaw ni yeyek kay ramsey hehe joke.

un na, dumating na sila. kumain ng konting rice (ulet) then umuwi na. sobrang pagod shet. pag uwi sa appartment – hilamos, bihis, sbay tulog.

Gacuya’s Appt. E (August 6, Sunday)
Ayun, sa appartment sila nag lunch. naghatid sila ng mga pasalubong. konting bonding, nag set ng mga itenirary para sa bakasyon nila. around 3pm, dumaan sila Maryann Corpuz, nag pa bluetooth ng picture, classmate ko cia before sa engineering. Naka van sila. Nakilala ko si Dang (CSU), Mindy from MTC at ung girl na madaming bf (forgot ko na name eh :P) Matagal din silang nag stay, mga isang oras. nandun lang sa labas… kursunada nila si nico kasi macho at gwapo daw hehe… then un, nagkayayaan mag fishball kay mang diego. Hinatid din nila ko paguwi.

Nung gabi dumaan si Filip Valen, kasama ung girl nya. Nag City grill kami till 12mn nila nico.